II. STORY OF THE WEEK
“Suntok Threat”
November 16, 2016. She texted me “alam na ni tatay yung tayo.” After reeading that, natakot ako, knowing na hindi kami tanggap ng tatay niya. I asked her kung ano pa sinabi ng tatay niya tungkol samin, and she said, sabi ni tatay “nakakadiri ka, wala kang mararating, nagbubulakbol ka lagi, lagi kang nababa sa Calibuyo”. Those words slowly break my heart, my tears slowly fall and my it made me feel worthless. After some conversation with her, she said, sabi ni tatay “wag na wag lang makapunta-punta dito yung tomboy na yun, masusuntok ko yun”. Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman that time, natatakot ako sa pwedeng gawin ng tatay niya sa kanya dahil sa mga nalaman nito, at inis sa sarili ko dahil hindi ko sya mapprotektahan. May parang suntok threat ako simula nung araw na yun. A day after that, hindi pa rin nawawala yung takot ko na baka one day may sumuntok sa akin sa CCAT (tricycle driver kasi tatay niya sa EPZA), at baka one day, bigla na lang may magchat or magtext sakin na layuan ko anak niya.
Feo day nung November 17, busy lahat. After ng class presentation ng section namin, umupo ako sa may room namin which was sa educ annex, sobrang bigat na nung nararamdaman kong takot at sakit behind everything na nalalaman ko tungkol sa sinasabi ng tatay niya, so I decided na iopen yun sa isang tao na alam ko maiintindihan yung sitwasyon ko. After ilabas lahat ng problema ko, I decided na umuwi na. As of now, November 24, natatakot pa din ako na baka may sumuntok sakin sa daan, lalo pa’t mag-isa lang ako lagi naglalakad sa may EPZA. The saddest part of it is, starting that time, nagbago lahat ng samin, naapektuhan yung kami, from time and efforts. Mahirap yun lalo na at sanay kami na nagkikita Monday to Friday. If there are chances, nagkikita kmi but tago, yung para kaming mga criminal na magtatago sa kahit anong pwedeng taguan wag lang makita ng kakilala ng tatay niya, nabanggit niya kasi na pinapabantayan daw siya ng tatay niya sa pinsan at tatay nito na bus driver at sa kamag-anak nila sa may school niya and sometimes, sinusundo and inihahatid siya ng tatay niya sa school niya just to make sure kung hindi kami nagkikita.
The end.

Comments

Popular Posts