II. STORY OF THE WEEK


            If I’m going to have a title for this short story, I’m going to title this as Choose-Day.
It’s choose-day, maaga ako umalis ng school, maaga kase uwian ko, tapos sya 1st class niya 5:30 until 7:00 pm. It feels like pauwe na ko, papasok pa lang sya. Eto yung tipong “Babe tejero na ko, san kana?” “Umboy na ko, labas mo kamay mo pag malapit kana sa umboy ha para dyan na lang ako sasakay sa bus na sinasakyan mo.”. Ganyan yung eksena na nangyayari everytime na sasamahan ko sya sa school niya.  OK lang kase everytime na sinasamahan ko sya is pinapapasok naman ako ni manong guard na mabait na medyo bagets pa sa campus nila kahit bawal ang outsider dun, but this day, medyo nawindang ako, bakit?,Iba yung guard sa campus nila. Wala si manong guard na bagets, so pano to?, At dahil andun na din naman ako, hinintay ko siya, scene was I’m standing at the front of their campus, yung tipong pinagtitinginan ako ng iba’t-ibang mga estudyante, nakakahiya syempre, para akong lady guard sa campus nila, kulang na lang ako yung mag check ng bag at I.D ng mga napasok dun. Hanggang 7 akong nag ala lady guard dun that time. Nakakangawit or nakakangalay (imaginin niyo laki kong to tumayo ako dun ng ganun katagal, kakangalay di ba.), nakakagutom, nakakahiya,nakakainis slight kase di man lang ako pinapasok ni manong guard na andun that time. Everytime na titignan ko relo ko kung anong oras na naiinip ako, well nakakainip naman talaga. Then finally, nag uwian na sila, yung mukha kong parang nagtinda ng bloke blokeng yelo sa gitna ng daan na walang pinagbentahan dahil natunaw lang lahat or in short nalugi e napalitan na ng saya.
Siguro iniisip niyo may pagka eng eng ako,but that’s love, yung tipong marami kang choices pero kung ano yung alam mong mali yun yung pipiliin mo, yang yung reason behind the title choose-day. Ok lang na maging lady guard ako, kahit gaano pa yan kahirap, kahit gaano pa yan katagal, still maghihintay ako sayo, hihintayin ko sya, kase at the end of the day wala ng makikipagbigay nung saya pag kasama ko na siya.



Comments

Popular Posts